Gusto ko ring mag-aral

249007_10151466084911452_192997400_nDalawampu’t apat na oras na buhat nang lumapag ang aking eroplano sa Pilipinas. Kababalik ko lang mula sa Ireland para mag-aral. At ngayon mas sigurado ako na gusto ko pang mag-aral.

Bukas babalik na ako sa tunay buhay. Hindi para mag-aral pero para umaksyon base sa aking mga natutunan. Matutulog na sana ako ng maaga para maaga rin akong makarating sa opisina. Pero tila ba sinadya ng langit na gisingin pa ako upang mapanood ko ang palabas ngayon sa ABS-CBN, ang “Gusto kong mag-aral”.

Ang “Gusto kong mag-aral” ay isang dokumentaryo patungkol sa sitwasyon ng edukasyon sa Pilipinas partikular na sa malalayong lugar na hindi madaling naaabot. Ilan sa mga istoryang ipinakita ay ang pagtawid ng mga estudyante sa ilog at paglalakad ng ilang kilometro makarating lamang sa paaralan. Hindi lamang estudyante ang ipinakita pero maging ang mga guro na nagsasakripisyo maturuan lamang ang mga kabataan. Hindi ito kaiba sa mga istorya ng mga paaralang napupuntahan namin sa Checkmyschool. Nariyan ang mga eskwelahang iilan lamang ang libro, mga binabahang classroom, at mga gurong ginagamit ang sarili nilang pera para lang may pang-pamasahe ang mga estudyante nila papasok sa eskwela.

Ako’y  naiyak sa aking napanood. Magandang pangbati ito para sa aking pagbabalik sa Pilipinas. Isang paalala ng aking misyon na tumulong mapabuti ang edukasyon sa bansa. Ilang araw bago ako lumisan ng Pilipinas, tinatanong ko ang sarili ko at ang diyos kung ito nga ba ang dapat kong patunguhan. Nakakapagod at maraming kailangang isakripisyo. Pinili kong hindi ituloy ang ilang aplikasyon para mag-aral sa ibang bansa dahil hindi ko maiwan ang Checkmyschool. Mukha hindi naman ako nagkamali sa aking desisyon bagaman hindi ko parin isinasantabi ang ilang personal na balakin. Gusto kong mag-aral, oo. Pero gusto ko ring makapag-aral ng maayos ang mga kabataan ng bayan ko.

Iba ang motibasyon ko sa pag-aaral kumpara sa mga ipinakita sa doku. Noong bata ako, gusto kong mag-aral kasi gusto kong matututo; gusto kong magkaroon ng kasagutan sa mga tanong ko. Noong medyo tumanda na ako, gusto kong mag-aral para maabot ko ang mga pangarap ko; para mabili ko ang mga gusto ko. Puro ako, hanggang sa dumating ako kolehiyo.

Hindi ako nakaranas mag-aral sa pampublikong paaralan o makapasok man lang sa pampublikong paaralan hanggang pumasok ako sa UP. Kumpara sa pampublikong paaralan na elementary at sekondarya, mas mabuti na ang kalagayan ng UP lalo na sa Unibersidad ng Korea kung saan rin ako nag-aral. Hindi ko kailangang tumawid sa ilog para makarating doon. May sapat namang mga upuan at may mga ilaw naman sa mga silid. Hindi nga lang ganoon kataas ang sahod ng mga guro sa UP kaya may ilang magagaling na gurong lumilisan. Sa maraming pagkakataon, kailangan mong magpaphotocopy ng libro na kakailanganin mo. May ilang banyo rin na marurumi at mga kompyuter na niluma na ng panahon.

Abandoned classroom at Burias ESMas nakita ko ang tunay na larawan ng edukasyon sa Pilipinas mula sa mga pagtuturo na ginagawa namin sa mga pampublikong eskwelahan. Higit ko pa itong naunawaan mula sa mga pag-iikot naming ginawa sa Checkmyschool. Mga sira o kulang na palikuran, kulang na libro, mga estudyanteng nakaupo sa lapag, at mga silid-aralang basam-basa sa tuwing uulan. Ilan lamang ito sa mga larawan ng kalagayan ng serbisyo ng edukasyon natin sa Pilipinas. Iba pang kwento ang kalagayan ng mga eskwelahang laging dinaraanan ng bagyo at nadadamay sa gulo sa Mindanaw.

Hindi bago ang mga ganitong kwento ng kakulangan sa mga gamit sa eskwela at mga sakripisyo para lang makapag-aral. Pero sa tuwing nakikita at naririnig ko ito, hindi ko maiwasang mapaluha.  Nakakapagod at parang walang katapusan. Minsan parang gusto mo nalang sumuko. Pero sa tuwing maririnig mo sa mga batang gustong mag-aral kahit  ano pa man ang pagdaanan, sino ako para magreklamo? Sa tuwing makikita mo kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga dakilang guro makapagturo lang sa mga bundok, isla, at liblib na lugar, anong nagawa ko kumpara sa kanila para mapagod?

Gusto kong mag-aral. Mahal ko ang karunungan. Gusto ko ring magturo bilang isang guro.  Alam kong ang magkaroon ng mabuting serbisyo sa paaralan at makatapos sa pag-aaral ang kanilang mga estudyante ang gusto ng mga gurong aking napanood. Gusto kong makatulong sa kanila sa bagay na iyon.

Gusto ng mga kabataang ipinakita at hindi ipinakita sa dokumentaryo na gusto nilang mag-aral. Hindi ko maipapangakong matutulungan sila sa pagpapaikli ng daan para mas madali silang makapunta sa paaralan. Pero baka pwede kaming makatulong bilang boses nila sa pamamagitan ng Checkmyschool. Baka pwede kaming makatulong sa pagpapakita ng kalagayan ng ibang mga paaralan sa malalayong lugar. Hindi ko ito magagawa mag-isa kung kaya’t maghahanap ako ng mga kasama. Sa pamamagitan ng blog na ito, sana maipaabot ko sa iba na pwede rin silang tumulong. Kung hindi man bilang kasama namin sa Checkmyschool pero baka pwede rin sa pamamagitan ng ibang proyekto.

Kung lahat tayo ay magtutulong-tulong, walang imposible. Pwede nating matulungan ang mga nagtuturo at ang mga gustong mag-aral.

logo_transparent

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s