Ikaw na di ko inakalang pupukaw sa aking mga mata
Ikaw na ilang gabi naring pumupuyat sa mahimbing kong paghiga
Napapangiti habang ginugunita ang gabing hinalikan ka sana
Pero di ko ginawa
Natakot sa posible nating maging “sana”.
Iba ka sa lahat nang nakaraang pagsinta
Di ka ‘yung tipong seryoso pero siguradong tagos sa pagsamba
Nakakatakot ang mahibang sa tulad mong isang kasipmata
Baka ngayon mabulag sa iyong halina,
Bukas wala ka na.
Pagsisisihan ko bang hindi hayaang malunod sa iyong agos?
Ano nga bang hinahon ang inaalagaan kung handa naman sa pagtatapos?
Ang piliing sumugod ay pagpayag sa pagkagapos
Posibleng masaktan. Maging martir.
Hahayaan bang magwakas ang nadarama na parang isang inutil?
Itong nadarama, lahat ng alaala, ating kisapmat
Ikaw ang pag-ibig na patutuloy na dudungawin mula sa bintana
Kung sakaling dumating ang araw na di makakapigil pa
Sana pwede pa ang ikaw at ako
Sana posibleng may “tayo” pa.
P.S. Masarap pala ‘yung sisig pasta sa Cable car.